Thursday, April 21, 2011

Judas' betrayal. Our Gospel for April 20, 2011


Matthew 26:14-25






One of the Twelve, who was called Judas Iscariot,went to the chief priests and said,
“What are you willing to give me if I hand him over to you?” They paid him thirty pieces of silver, and from that time on he looked for an opportunity to hand him over.


On the first day of the Feast of Unleavened Bread, the disciples approached Jesus and said,
“Where do you want us to prepare for you to eat the Passover?” He said,
“Go into the city to a certain man and tell him,
‘The teacher says, My appointed time draws near;
in your house I shall celebrate the Passover with my disciples.”‘“
The disciples then did as Jesus had ordered, and prepared the Passover. When it was evening, he reclined at table with the Twelve. And while they were eating, he said,
“Amen, I say to you, one of you will betray me.”


Deeply distressed at this,
they began to say to him one after another,
“Surely it is not I, Lord?”
He said in reply,
“He who has dipped his hand into the dish with me
is the one who will betray me. The Son of Man indeed goes, as it is written of him, but woe to that man by whom the Son of Man is betrayed. It would be better for that man if he had never been born.”


Then Judas, his betrayer, said in reply,
“Surely it is not I, Rabbi?” He answered, 
“You have said so.”



Nakipagkasundo si Judas upang Ipagkanulo si Jesus
Mateo 26:14-25

 Nang magkagayon isa sa labindalawang alagad, na tinatawag na Judas na taga-Keriot, ay pumunta sa mga pinunong-saserdote. Sinabi niya: Ano ang ibibigay ninyo sa akin kapag maibigay ko si Jesus sa inyo? Itinakda nila sa kaniya ang tatlumpung pirasong pilak. Mula sa oras na iyon, siya ay naghanap ng pagkakataon upang maipagkanulo niya si Jesus.
 
Sa unang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa, pumunta kay Jesus ang mga alagad. Sinabi nila sa kaniya: Saan mo ibig na kami ay maghanda para sa iyo upang makakain ng hapunan ng Paglagpas?
 
Sinabi niya: Pumunta kayo sa isang lalaki na nasa lungsod. Sabihin ninyo sa kaniya: Sinabi ng guro: Ang aking oras ay malapit na. Gaganapin ko ang Paglagpas sa iyong bahay kasama ang aking mga alagad. Ginawa ng mga alagad ang ayon sa iniutos sa kanila ni Jesus. Sila ay naghanda para sa Paglagpas.

 
Nang gumabi na, dumulog si Jesus sa hapag kasama ng labindalawa. Habang sila ay kumakain, sinabi niya sa kanila: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Isa sa inyo ang magkakanulo sa akin.

 
Ang bawat isa sa kanila ay labis na namighati. Nagsimula silang magsabi sa kaniya: Ako ba, Panginoon?

 
Ngunit sumagot siya: Ang kasama kong nagsawsaw ng kamay sa mangkok, siya ang magkakanulo sa akin. Ang Anak ng Tao ay hahayo ayon sa isinulat patungkol sa kaniya. Ngunit sa aba ng taong iyon na magkakanulo sa Anak ng Tao. Mabuti pa sa taong iyon kung hindi na siya naipanganak.

 
Sumagot si Judas, ang magkakanulo kay Jesus: Ako ba, guro?
   Sinabi niya sa kaniya: Tama ang iyong sinabi.

3 comments:

Anonymous said...

....sa lumang tipan ang propesiya ng mga salita ay naganap sa Bagong Tipan,ang papel na ginagampan ng bawat isa sa atin ay alam ng Panginoon, mapalad tayo kung papel na ating ginagampanan ay papel na tumulong upang mapaganda ang story line ng bida, tayo ay gumaganap ayon sa nakatakda nating kakayahan na nakalaan sa atin ayon sa kagustuhan ng Diyos, pwede nating tanggapin ang role na ito ng buong puso at gawin ang nararapat at humingi ng gabay sa Kanya lalo na kung ang role ay upang maging makatotohanan ang lahat,we must be like a coffee beans, bag hinalo sa tubig nagiging isa unlike sa itlog pag nilaga nagging matigas o kaya ay carrots na lumalambot lang, it's like our faith kailangan nating makiisa sa Diyos kung hindi mahihirapan tayo na gawin ito.. kaibigan masasabi ko na ang role na ating gingampanan ay role na pinili ng Diyos para sa atin ang maglingkod sa kanya kahit ilang bundok pa ang lalampasan at aakyatin still nakahalo na ang kape sa tubig iisa na sila, kaisa na tayo ng Panginoon, mahirap maintindihan ang ating buhay kung malayo sa kanya hindi natin maaapriciate ang kagandahan na kanyang nilikha sa atin ang sanlibutan, pag tayoy sa kanya ang tunog ng tuyong dahon na naapakan ay nagiging musika sa ating pandinig, . . . marami ang katulad ni Hudas ang kagandahan nito inilayo tayo ng Diyos sa papel na kanyang ginagampan sa arawaraw. kung may nanghudas man sa atin prayer ang ating iginaganti "Lord sana magbago sya hipuin ang kanyang puso at isipan upang makapamuhay ng marangal at naaayon sa Iyong kalooban." for the Glory of God . . . . .amen. . ... bro thanks sa space na ito ngayon lang
ulit nakapagshare .bro john

Anonymous said...

Mr. Lucena,

You correct the picture by writing width="100%" somewhere within the brackets of the img code.

In Norway some people suggest Judas was the favourite disciple of Jesus and his best friend. They want Judas to be a hero. It is insane. Judas wanted to be in command of the life of Jesus. He was a devil. He gave the elders of Israel the opportunity to grab Jesus by telling them "now it is clear". But Mariah, on the other hand, was an angel. She anointed him.

Ed Lucena said...

Your comments are well appreciated. To God be the glory. Regards to both of you.

Post a Comment

Please type your sharing/reflection here.