Mark 11:11-26
Jesus entered Jerusalem and went into the temple area.He looked around at everything and, since it was already late,went out to Bethany with the Twelve.The next day as they were leaving Bethany he was hungry.
Seeing from a distance a fig tree in leaf, he went over to see if he could find anything on it.When he reached it he found nothing but leaves;it was not the time for figs.
And he said to it in reply,
“May no one ever eat of your fruit again!”
And his disciples heard it.They came to Jerusalem, and on entering the temple area he began to drive out those selling and buying there.
He overturned the tables of the money changers and the seats of
those who were selling doves.He
did not permit anyone to carry
anything through the temple area.
Then he taught them saying, “Is it not written:My house shall be called a house of prayer for all peoples?But you have made it a den of thieves .”The chief priests and the scribes came to hear of it and were seeking a way to put him to death, yet they feared him because the whole crowd was astonished at his teaching.
When evening came, they went out of the city.
Early in the morning, as they were walking along,
they saw the fig tree withered to its roots.
Peter remembered and said to him, “Rabbi, look!
The fig tree that you cursed has withered.”
Jesus said to them in reply, “Have faith in God.
Amen, I say to you, whoever says to this mountain,
‘Be lifted up and thrown into the sea,’and does not doubt in his heart
but believes that what he says will happen, it shall be done for him.
Therefore I tell you, all that you ask for in prayer, believe that you will receive it and it shall be yours.When you stand to pray,forgive anyone against whom you have a grievance, so that your heavenly Father may in turn forgive you your transgressions.”
Sumampalataya Tayo sa Panginoon.
Marcos 11:11-26
Pumasok si Jesus sa Jerusalem, at sa loob ng templo. Nang tumingin siya sa palibot sa lahat ng mga bagay, yamang dumidilim na, lumabas siya patungong Betania kasama ng labindalawang alagad.
Kinabukasan, pagkagaling sa Betania, nagutom siya. Sa di-kalayuan ay natanaw niya ang isang puno ng igos na may mga dahon. Nilapitan niya ito sa pagbabakasakaling makasumpong doon ng anuman. Nang malapitan niya ito, wala siyang nasumpungan kundi mga dahon lang, sapagkat hindi panahon ng pagbunga ng mga igos.
Nagsalita si Jesus at sinabi sa puno: Wala nang sinumang makakakain ng iyong bunga mula ngayon at magpakailanman. Narinig ito ng kaniyang mga alagad.
Dumating sila sa Jerusalem. Pagpasok ni Jesus sa loob ng templo, itinaboy niya ang mga nagtitinda at ang mga bumibili sa templo. Ang mga mesa ng mga mamamalit ng salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati ay itinaob niya. Hindi niya pinayagang ang sinuman ay dumaan na may dalang sisidlan sa loob ng templo.
Nangaral siyang nagsabi sa kanila: Hindi ba nakasulat:
Ang bahay ko ay tatawagin ng lahat ng mga
bansa na bahay-dalanginan. Subalit ginawa
ninyo itong yungib ng mga tulisan.
Narinig ito ng mga guro ng kautusan at mga pinunong-saserdote. Hinanapan nila ng paraan kung papaano nila siya papatayin. Ito ay sapagkat takot sila kay Jesus dahil namangha ang lahat ng mga tao sa kaniyang mga turo.
Nang gumabi na ay lumabas siya sa lungsod.
Kinaumagahan, sa pagdaan nila, nakita nila ang puno ng igos na natuyo simula sa mga ugat. Nang maala-ala ito ni Pedro, sinabi niya: Guro, tingnan mo. Ang puno ng igos na iyong isinumpa ay tuyo na.
Sumagot si Jesus sa kanila: Manampalataya kayo sa Diyos. Katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang sinumang magsabi sa bundok na ito: Umalis ka at maihagis sa dagat, makakamtam niya iyon. Ito ay kung hindi siya mag-alinlangan sa kaniyang puso sa halip ay manalig na matupad ang kaniyang sinabi.
Kaya nga, sinasabi ko sa inyo: Anumang mga bagay ang hingin ninyo sa pananalangin, manalig kayo na ito ay inyong nakamtam at ito ay mapapasainyo. Kapag kayo ay nakatayo at nananalangin, kung mayroon kayong anumang laban sa kaninuman, patawarin ninyo siya. Ito ay upang patawarin din naman kayo sa inyong mga pagsalansang ng inyong Amang nasa langit.
Kung hindi kayo magpatawad, hindi rin kayo patatawarin sa inyong mga pagsalansang ng inyong Amang nasa langit.
1 comment:
Kaya nga, sinasabi ko sa inyo: Anumang mga bagay ang hingin ninyo sa pananalangin, manalig kayo na ito ay inyong nakamtam at ito ay mapapasainyo. Kapag kayo ay nakatayo at nananalangin, kung mayroon kayong anumang laban sa kaninuman, patawarin ninyo siya. Ito ay upang patawarin din naman kayo sa inyong mga pagsalansang ng inyong Amang nasa langit.
Napakalinaw na salaysay para sa atin na tayo ay dapat lang na magtiwala sa ating panginoon at sa kanyang kakayahan. Na anuman ang ating panaligan ay mangyayari (positive thinking), bagamat kailangan natin ang magpatawad para tayo ay patawarin ng ating Ama na nasa langit.
Kung ito'y ating iisipin, parang ito ay walang kaugnayan sa naunang pahayag subalit,pag ating iisiping mabuti, kailangan pala nating magkaroon ng kalinisan ng puso sa lahat ng ating kahilingan, para sa ikabubuti ng marami at lubos na pagtitiwala para mapasa atin ang ating mga kahilingan. Sa madaling sabi, ang ating mga kahilingan ay hindi lamang dapat sa pansariling benepisyo kundi dapat ito'y para sa nakararami.
Pagpalain nawa tayo ng Mahal na Panginoon.
Post a Comment
Please type your sharing/reflection here.