Wednesday, February 2, 2011

Our Gospel for Feb 2. The Presentation in the Temple.

Luke  2:22-32

When the days were completed for their purification according to the law of Moses,Mary and Joseph took Jesus up to Jerusalem to present him to the Lord, just as it is written in the law of the Lord, Every male that opens the womb shall be consecrated to the Lord ,
and to offer the sacrifice of a pair of turtledoves or two young pigeons
,in accordance with the dictate in the law of the Lord. Now there was a man in Jerusalem whose name was Simeon. This man was righteous and devout, awaiting the consolation of Israel, and the Holy Spirit was upon him. It had been revealed to him by the Holy Spirit that he should not see death before he had seen the Christ of the Lord. He came in the Spirit into the temple; and when the parents brought in the child Jesus to perform the custom of the law in regard to him,he took him into his arms and blessed God, saying:
“Now, Master, you may let your servant go in peace, according to your word, for my eyes have seen your salvation, which you prepared in the sight of all the peoples: a light for revelation to the Gentiles, and glory for your people Israel.”

Dinala ni Jose at ni Maria si Jesus sa Templo

Lucas 2:22-32

22Naganap na ang araw ng kanilang pagdadalisay ayon sa kautusan ni Moises. Pagkatapos nito, dinala nila si Jesus sa Jerusalem upang iharap sa Panginoon. 23Gaya ng nasusulat sa kautusan ng Panginoon: Ang bawat batang lalaki na nagbubukas ng bahay-bata ay tatawaging banal sa Panginoon. 24Dinala nila siya upang maghandog ng hain ayon sa sinabi sa kautusan ng Panginoon. Ang hain ay isang tambal na batu-bato o dalawang inakay na kalapati.
   
 25Narito, sa Jerusalem ay may isang lalaki na ang pangalan ay Simeon. Ang lalaking ito ay matuwid at maka-diyos na naghihintay sa kaaliwan ng Israel. At ang Banal na Espiritu ay sumasakaniya. 26Ang Banal na Espiritu ay naghayag sa kaniya na hindi siya mamamatay hanggang hindi niya nakikita ang Mesiyas ng Panginoon. 27Siya ay pumunta sa loob ng templo sa pamamagitan ng Espiritu. Dinala ng mga magulang ang maliit na batang si Jesus sa templo. Ito ay upang magawa nila sa kaniya ang naaayon sa naging kaugalian sa kautusan. 28Nang dinala nila ang maliit na bata, kinarga siya ni Simeon at pinuri ang Diyos. 29Sinabi niya: Panginoon, ngayon ay papanawin mo na ang iyong alipin na may kapayapaan ayon sa iyong salita. 30Ito ay sapagkat nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas. 31Inihanda mo ito sa harap ng lahat ng mga tao. 32Ang kaligtasang ito ay isang liwanag upang maging kapahayagan sa mga Gentil. Ito ay kaluwalhatian ng Israel na iyong mga tao.

   

1 comment:

Ed Lucena said...

Maski sila Maria Joseph at Jesus na pinakadakila sa lahat ng pamilya sa buong mundo ay sumusunod sa mga batas ng ating panginoon.

Tayo man ay mayroon din pong mga batas sa ating relihiyon na ating sinusunod kagaya ng pagkukumpil, pagbibinyag,di pagkain ng karne during holy week at marami pang iba.

Subalit kung minsan ay parang sumosobra ang ating pagsunod at sariling paniniwala at parang nagiging over acting na tayo.

Katulad halimbawa ng paglakad ng luhod sa simbahan, pagpapako sa Krus o Penitensya.

Ito po ay hindi masama at hindi po natin ito tinutuligsa dahil ito po ay sariling pagpapasya ng tao at kung ito po ay nagdudulot ng ginhawa sa taong gumagawa nito ay wala po itong problema.

Subalit kagaya po sa karamihan ng ating mga pagsunod sa mga batas dahil sa ating sariling paniniwala sana ay ating naiisip na itong sakripisyo na ito ay kabayaran sa ating mga nagawang mga kasalanan at hindi isang paraan na para tayo ay muling makagagawa na naman ng mga kasalanan dahil tayo ay malinis nang muli.

Ang iba naman po sa atin ay masyado ang pagiging relihiyoso at relihiyosa subalit pag dating sa ating mga kabahayan ay minamaltrato ang mga kasambahay, mga anak at ibang mga tao.

Ang iba ay puno ng santo sa bahay subalit kapag nagmura ay halos malaglag ang mga santo sa kanilang mga kinalalagyan.

Sana po ay maging makahulugan ang ating pagiging malapit sa ating panginoon at hindi lamang isang palamuti ang ating ginagawang pagsunod sa mga batas ng ating simbahan kundi isang taos pusong pagsunod sa kanyang mga pinaguutos, sa loob at labas ng ating pamamahay at lalong lalo na sa ating mga puso.

Pagpalain nawa tayo ng Mahal na Panginoon.

Post a Comment

Please type your sharing/reflection here.