Tuesday, December 21, 2010

Our Gospel for Dec 21. Mary visits Elizabeth.

Luke 1:39-45 
 
Mary set out in those days and traveled to the hill country in haste to a town of Judah, where she entered the house of Zechariah and greeted Elizabeth.
When Elizabeth heard Mary’s greeting, the infant leaped in her womb, and Elizabeth, filled with the Holy Spirit, cried out in a loud voice and said,
“Most blessed are you among women, and blessed is the fruit of your womb. And how does this happen to me, that the mother of my Lord should come to me? For at the moment the sound of your greeting reached my ears, the infant in my womb leaped for joy. Blessed are you who believed that what was spoken to you by the Lord would be fulfilled.”

Dumalaw si Maria kay Elisabet

Lucas 1:39-45


  Sa mga araw na iyon, si Maria ay tumindig at nagmamadaling pumunta sa lupaing maburol sa lungsod ng Juda. Pumasok siya sa bahay ni Zacarias at bumati kay Elisabet. At nangyari, nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, ang sanggol sa kaniyang sinapupunan ay napalundag. At si Elisabet ay napuspos ng Banal na Espiritu. 

Sa isang malakas na tinig, siya ay sumigaw na sinasabi: Kapuri-puri ka sa mga kababaihan. Kapuri-puri ang bunga ng iyong sinapupunan. Papaano nangyari ito sa akin na ang ina ng aking Panginoon ay pumunta sa akin? 
Narito, sa pagdinig ko ng iyong tinig ng pagbati, ang sanggol sa aking sinapupunan ay napalundag sa kagalakan. Ikaw na sumampalataya ay lubos na pinagpala sapagkat magkakaroon ng kaganapan ang mga bagay na sinabi sa iyo ng Panginoon.

1 comment:

Ed Lucena said...

I remember when I was a child that whenever my family and I are going on a trip or an outing, I always feel joy and excitement as if I could not sleep the whole night before and waited joyfully until the day came.

Ganito din ang naramdamang excitement ni Maria at Elisabet pati na si Juan na kasalukuyang nasa sinapupunan pa lamang nang si Maria at Elizabet ay nagkita.

Ngayon pong malapit na ang araw ng Kapaskuhan o ang kapanganakan ni Hesus, harinawa ay maging masaya at punong puno ng pagasa ang ating mga puso.

Huwag po sana nating masyadong abalahin ang ating mga sarili sa pagbili ng mga mamahaling regalo upang magpadaigan at magpagandahan ng mga regalo.

Ito po ay hindi natin dapat ituring na isang competition kundi isang mahalagang tradition para tayo ay magkasamama sama ng mga taong mahal natin sa buhay, upang maging masaya at makabuluhan ang panahon ng kapaskuhan.

Atin din pong alalahanin ang mga taong kapus palad na sila man ay excited din sa pagdating ng araw ng pasko. Sila man po ay umaasa na may mga taong bukal ang kalooban upang sila ay tulungan.

Sana po ay madulutan natin sila ng mga bagay na makapagpapasaya sa kanila sa abot ng ating makakaya.

Pagpalain po tayo ng Poong Maykapal!

Post a Comment

Please type your sharing/reflection here.