Tuesday, November 30, 2010

Our Gospel for Nov 30. The Call of the First Disciples.

Mt 4:18-22

As Jesus was walking by the Sea of Galilee, he saw two brothers,
Simon who is called Peter, and his brother Andrew, casting a net into the sea; they were fishermen. He said to them, “Come after me, and I will make you fishers of men.”
At once they left their nets and followed him. He walked along from there and saw two other brothers,
James, the son of Zebedee, and his brother John. They were in a boat, with their father Zebedee, mending their nets. He called them, and immediately they left their boat and their father  and followed him.

Tinawag ni Jesus ang Unang mga Alagad.

Mateo 4:18-22


Habang si Jesus ay naglalakad sa tabi ng lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid. Sila ay sina Simon na tinatawag na Pedro at ang nakakabata niyang kapatid na si Andres. Naghahagis sila ng lambat sa lawa sapagkat sila ay mga mangingisda. Sinabi niya sa kanila: Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mamamalakaya ng mga tao. Kaagad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kaniya.

 
Sa pagpapatuloy niya sa paglalakad, nakita niya ang magkapatid na Santiago at Juan. Sila ay nasa bangka at nag-aayos ng lambat kasama ang kanilang amang si Zebedeo. At tinawag sila ni Jesus. Agad-agad nilang iniwan ang kanilang bangka at ang kanilang ama at sumunod sa kaniya.

3 comments:

Ed Lucena said...

Lahat tayo ay tinatawag ng Panginoon upang kanyang maging mga alagad ngunit ito ay depende sa ating tugon sa kanyang paanyaya.

Ang iba ay pinagwawalang bahala ito,at kanilang itinuturing na ito ay isang istorbo lamang para sa kanilang mga normal na gawain; ang iba naman ay tumutugon ngunit pag nasabak na sa matinding pagsubok ay dagliang tumatalikod at di na pinapansin ang tawag ng ating Panginoon.

Ngunit ang iba ay tumutugon ng totohanan, taos sa puso at kahit anong pagsubok ang mangyari ay sadyang parang nakapako sa kanilang pananampalataya at lubos na nananalig sa paanyayang ito.

Sa aming buhay ay marami na din kaming pinagdaanang pagsubok at problema. Ako ay pinalad at nagkaroon ng matibay na samahan naming magasawa sampu ng aking mga anak. Kaya't kami naman ay patuloy na tumutugon sa paanyaya ng ating panginoon sa bawat oras ng aming buhay. Maganda man o pangit ang mga pangyayari sa buhay namin, kami ay hindi bibitiw sa kanyang mga pangako.

Kayo po? Ano po ang tugon ninyo sa paaanyaya ng ating panginoon?

Harinawa ay tumugon tayong lahat sa paanyaya ng ating Panginoon at tiyak na ito ay hindi ninyo pagsisisihan habang buhay at maging sa kabilang buhay.

Sana po ay pagpalain kayo ng poong maykapal.

Anonymous said...

I feel blessed in the same way, hindi lahat ng tao ay bukas ang loob sa pagiging isang alagad. But I'm thankful enough na hindi nawawala sa isip, puso at gawain ko ang maglingkod sa Kanya. I am a servant of God, and as a servant I know I have a duty to my Master. One thing I learned, if you want to grow more spiritually, make time for God. Even in your busy day, find the time to have a one on one moment with Him.

Trials and problems are part of our lives. Naniniwala ako that only a true Christian are able to understand and even praise God despite of every trials and struggles in life. As for me and my family, we will continue to be His faithful servants.

Rizza

Ed Lucena said...

We thank God for having you in our family!

God bless you and little Kaycee!

-Dad and Mom!

Post a Comment

Please type your sharing/reflection here.