Luke 19:1-10
At that time, Jesus came to Jericho and intended to pass through the town. Now a man there named Zacchaeus, who was a chief tax collector and also a wealthy man, was seeking to see who Jesus was;
but he could not see him because of the crowd,
for he was short in stature. So he ran ahead and climbed a sycamore tree in order to see Jesus,
who was about to pass that way.
When he reached the place, Jesus looked up and said,
"Zacchaeus, come down quickly, for today I must stay at your house." And he came down quickly and received him with joy.
When they all saw this, they began to grumble, saying,
"He has gone to stay at the house of a sinner."
But Zacchaeus stood there and said to the Lord,
"Behold, half of my possessions, Lord, I shall give to the poor, and if I have extorted anything from anyone
I shall repay it four times over." And Jesus said to him, "Today salvation has come to this house because
this man too is a descendant of Abraham. For the Son of Man has come to seek and to save what was lost."
*********************************************************************************
Si Zaqueo, ang Maniningil ng Buwis
Lucas 19:1-10
Pumasok at dumaan si Jesus sa Jerico. Naroroon ang isang lalaking nagngangalang Zaqueo. Siya ay punongmaniningil ng buwis at siya ay mayaman. Hinahangad niyang makita kung sino si Jesus. Hindi niya ito magawa dahil sa napakaraming tao, sapagkat siya ay mababa. At tumakbo siya sa unahan at umakyat sa isang puno ng sikamoro upang makita si Jesus sapagkat sa daang iyon daraan si Jesus.
Nang dumating si Jesus sa dakong iyon, tumingala siya at nakita niya si Zaqueo. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Zaqueo, magmadali kang bumaba sapagkat sa araw na ito ay kinakailangang manatili ako sa iyong bahay. Nagmamadali siyang bumaba at nagagalak niyang tinanggap si Jesus.
Nang makita ito ng lahat, nagbulung-bulungan sila. Kanilang sinabi: Manunuluyan siya sa isang makasalanan.
Si Zaqueo ay nakatayo at sinabi niya sa Panginoon: Narito, Panginoon, ang kalahati ng aking tinatangkilik ay ibibigay ko sa mga dukha. Anuman ang aking nakuha sa pamamagitan ng maling paraan sa sinuman ay ibabalik ko nang makaapat na ulit.
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Sa araw na ito, dumating sa bahay na ito ang kaligtasan sapagkat siya ay anak rin ni Abraham. Ang Anak ng Tao ay pumarito upang hanapin at iligtas ang nawala.
1 comment:
St Augustine said, "Curiosity is the beginning of Faith." Tayo man ay maraming katanungan sa ating mga isipan kagaya ni Zaqueo: Bakit ba pinagkakaguluhan si Hesus ng mga tao? Ano ba ang mga aral na naririnig ng iba kay Hesus at totoo bang siya ay nakapang gagamot ng mga maysakit? Ito ba ay hindi lamang isang nagpapanggap?
Tulad kay Zaqueo, ito din po ang aming mga katanungan nung una pa lamang kaming nag join sa Marriage Encounter Weekend Seminar.
Totoo bang me mapapala tayo sa seminar na ito? Hindi ba masasayang ang oras natin dito? Tanong ko ke Len. Subalit dahil sa curiosity, kami ay nagsabing "okay" sa invitation na iyon ng aming mga kaibigan, dahil ito daw ay napakaganda at marami kaming matututunan sa pagsasama bilang
magasawa. At kung me problema daw kami ay maaayos dun. Sa isip isip ko: Wala naman kaming problema ah? Nang gabing iyon, tinanong ko ulit si Len: Ano kaya ang gagawin natin dun sa Marriage Encounter Seminar? Sagot ni Len: Syempre magdadasal, mauupo at
makikinig dahil iyon daw ay parang isang retreat at tayo ay mag stay dun ng 3 days and 2
nights. Ayos! Sabi ko. Parang
maganda yata. Dahil bukod sa malamig sa Tagaytay at presko, libre pa daw lahat ang
pagkain and accommodation, sa madaling sabi, walang gastos at libre pang bakasyon!
Kami ay hindi nagsisi. Napakagandang experience para sa aming mag asawa ang ME seminar. Wala kaming regrets whatsoever at walang nasayang na oras sa aming pag attend ng seminar. Bagkus, ito ay lalong nagpatibay sa aming relasyon at pati na rin sa aming mga anak. Buo at may pananampalataya sa Diyos.
Si Zaqueo ay tinawag ni Hesus na bumaba sa puno ng Sikamoro para tumuloy sa kanyang bahay. Ito ay naganap dahil si Zaqueo ay naging interesado kay Hesus. Si Zaqueo ay naghanap kay Hesus at si Zaqueo ay handang magbago.
Atin din pong hanapin si Hesus at tiyak na siya ay ating makakamtan. At sa oras na siya ay
mag-anyaya sa atin, let's welcome Him with all our hearts at walang pag-aalinlangan, and He will take charge of our life.
Atin pong idalangin:
O Panginoon Hesus hindi ako karapat dapat na magpatuloy sa
iyo, ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako. Ikaw na po ang aking Panginoon at Tagapagligtas mula sa mga oras
na ito. Amen!
Pagpalain nawa tayong lahat ng Mahal na Panginoon.
Post a Comment
Please type your sharing/reflection here.